Madilim na nakaraan.

Isa sa pinaka madilim na kasaysayan ng Pilipinas ay ang panahon ng Martial Law, at least ayon yan sa mga Historian, totoo nga ba ito? Umm… hindi ako mapakali kaya naman dali dali akong nag bungkal ng mga lumang litrato at opo, ganito na nga ako ka tanda. Sigh… Pinanganak ako dalawang taon matapos ideklara ang batas militar. Pilit kong binabalik ang mga ala ala, ngunit sa kasamaang palad wala akong maalala na kasamaan o kaguluhan man lang bagkos masyadong tahimik noon, disiplinado mga tao at malinis ang kapaligiran. Naalala ko panga ang pag sakay sakay ko ng double decker bus, ang love bus kung tawagin. Tuwang tuwa ako pag kasama ko ang magulang ko at isinasakay ako sa harapan sa itaas ng bus na para bang ako ang nagmamaneho. Maluwag pa ang EDSA noon at walang kalat. 

Tiningnan ko rin mga litrato namin noon ngunit tila lahat naman sila ay masaya. Ang hindi lang masaya noon ay ang curfew at pag patak ng alas singko dapat na sa bahay na kami dahil pag alas sais naman mag rorosaryo na ang buong pamilya.

Marahil murang mura pa ang aking kaisipan noon at wala pa akong pakialam sa mga bali-balita pero naalala ko naman ang mga balita tungkol sa rebolusyon o ang people’s power, naalala ko halos araw araw na ata nakatutok mga tao sa telebisyon at pakikinig ng radyo. Marahil Ito na siguro ang masasabi kong mga panahon na nag umpisa anggulo hanggang sa ma palitan at nagkaroon na ng bagong gobyerno. Maraming masaya ngunit makalipas lang ng isang taon, naalala ko noon grade five ako… actually, dito ako nagsimulang mag backtrack para maalala ko kung nasaan nga ba ako noong mga panahon na yun, panahon ng kahirapan. Kung noon bawal ang pakalat kalat na bata sa lansangan sa bagong gobyerno malaya ang mga tao. 

Dito ako natutong mag tinda tinda ng sigarilyo, candy at kung minsan mani galing sa aming tindahan malapit sa sakayan ng bus papuntang Manila. Naalala ko ang pag akyat at pag talon sa bus, pag punta sa sabungan at minsan narin bumiyahe mula Bulacan hanggang Divisoria kahit hindi rin naman ako makapag tinda dahil sa mga teritoryo. Dito ko naranasan makaharap mga bully at kinukuha ang aking mga paninda dahil wala ako sa teritoryo ko. Ngunit hindi naman ako nila sinaktan dahil bata pa ako. Unang sigarilyo na natikman ko ay Champion. 

sa mga panahon na ito, dito na siguro ang masasabi kong nagsimula ang kadiliman.